Naging mainit ang pagtanggap ng ating mga kabarangay sa ating organisasyon kung ang pagbabasehan ay ang lakas ng kanilang hiyawan at palakpak. Lahat ng pamilya ng mga miyembro ng Rugao Online Community ay buong pwersang sumuporta sa Rugao Gives Back at lahat sila ay suot ang t-shirt na ipinagawa natin.
Matapos ang aking mensahe ay dapat na magsasalita na si Mayor Jay L Diaz bilang panauhing pandangal ngunit hindi pa siya dumarating at walang kumpirmasyon ang kanyang pagdalo. Kaya bumunot muna kami ng maswerteng pamilyang mananalo ng grocerya. Sobrang excited ang mga tao kung sino ang mabubunot. Suspense ang pagbunot namin at pag announce lalo pat inuuna namin ang initials kaya naman isinisigaw ng mga tao ang mga pangalan na may ganoong initials! Napakasaya talaga kahit sa pagbunot ng mananalo. Maliban pala sa mga grocerya ay nagbigay din ng limang token mugs si kapitan Bermudez para ipamigay din sa mga kabarangay natin.
Para hindi maantala ang programa habang inaantay ang mga panauhin ay naisip naming isalang na ang mga may inihandang sayaw. Tinawag namin bawat purok na may itatanghal na sayaw. Sobrang hiwayan na naman ang mga tao habang tinatawag ang kanilang purok. May matatandang sumayaw ng Poker Face ni Lady Gaga. Mga taga Kabayugan. Sila yung mga nanay na nakamaskara pa paglabas nila! karamihan ay mga bata ang sumayaw. Sumayaw din ang mga matatanda ng Jai-Ho na nakakatuwang pagmasdan! Bawat performers ay may natanggap na cash prize mula sa mga barangay officials! Patok na patok ang bahaging ito ng programa. Andaming nagperform at halatang pinaghandaan dahil may mga costumes ang bawat purok.
Habang lumalalim ang gabi ay panay ang parlor games. Sina Homer at Nhor ang nakatoka sa mga masasayang parlor games. May mga matatandang nagpagalingan sa paglagay ng sinulid sa karayom. Ang mga Barangay Officials na sumali sa "draw your face" na lubhang nakakatawa dahil kakaiba yung mga mukhang naidrawing ng mga opisyales!! At marami pang mga palaro. Hanggang hindi na namin namalayan na gumagabi na pala.
Halos mag aalas dyes na ng dumating ang kaisa isang bisita na naglaan ng kanyang oras sa ating programa. Si SB Perlita Gangan Gaoiran. Ipinakilala kami ni Kapitan sa kanya. Kaya nakipagkwentuhan kami sa kanya bago siya nagsalita. At siyempre pinatikman namin siya ng masarap na bibingka na gawa ng mga asawa ng mga barangay officials sa pangunguna ni kapitana!
Habang nakikinig ako sa mensahe ni SB Gaoiran ay naramdaman kong napakalaki pala ng ating programa! Paulit ulit na binanggit ni SB Gaoiran na sya'y natutuwa sa ating ginawa. Ayon pa sa kanya, hindi daw nasayang ang kanyang pagpunta sa Rugao dahil nasaksihan daw niya ang pagtutulungan at pagmamahalan ng mga taga Rugao. Iginiit pa nya at sigurado daw siya na sa 91 na barangay ng Ilagan, Rugao lang may ganoong organisasyon at programa. Makikita mo talaga ang paghanga ng nasabing pulitiko dahil panay ang puri nya sa ating organisasyon. Akala ko nga aalis na siya agad pagkatapos ng kanyang mensahe (dahil ganun naman ang karamihan sa mga pulitiko) pero pinili nyang manatili muna at saksihan ang ilan pang mga parlor games kahit pa manaka nakang umaambon. Nag abot din siya ng mga wall clocks at dalawang gift certificates worth 500 pesos each sa Savemore at nag abot ng tig isang daang piso sa mga mananalo ng gift certificates bilang pamasahe papunta sa Northstar Mall!
Ilang sandali pa ay nabasa ko ang mensahe ni SB Albano sa ating FB Account (message) na nagpaabot ng suporta sa ating mga programa at papuri sa ating samahan!
Makalipas ang ilang saglit ay namigay na kami ng mga duster sa mga senior citizens. Ang sayang tingnan ang kanilang mga mukha habang tinatanggap ang simple nating regalo. May konting aberya nga lang dahil may mga ilan palang wala sa listahan kaya medyo may konting tensyon sa mga oras na yun. Pero ito ay naayos din namin ni Auntie Nhor. Akala ko nga papalpak na kami noon pero buti na lang nagawan ng paraan!
Nagpatuloy ang gabi sa pamimigay ng mga regalo sa mga bata, raffle draw at nakakaaliw na mga laro.
Natapos ang pamimigay ng mga regalo at groceries bandang ala una y medya ng umaga!! Tinapos ng ating mga kabarangay ang buong programa bago sila umuwi. Ngunit may mga ilan pa na naiwan kaya nagdesisyon ang mga SK Officials na magpalaro pa sa mga kabataang nasa basketball court kaya tumagal pa kami doon hanggang alas dos y-medya ng umaga. Habang abala ang mga kabataan nagkakasayahan ay nagbukas ng Red Wine si Auntie Nhor at doon ay nagkaroon ng toss para sa matagumpay na pagdaraos ng Rugao Gives Back. Parang hindi namin ramdam ang puyat at pagod!!
Kinaumagahan ay marami kaming naririnig na magagandang kumento mula sa mga tao (may mga reklamo din pero kaunti lang). Karamihan sa kanila ay nagpapasalamat at nagsasabing ito daw ang pinakamasayang Christmas ng mga taga Rugao! Nakatataba ng puso, hindi ba? Kaya nga't nang mag usap kami ulit ni Auntie Nhor ( na on-the-spot ay ginawa kong ROC Vice President for Philippines Affairs! haha. Magkakaroon talaga tayo ng mga Vice Presidents sa mga malalaking bansa tulad ng Singapore, Hong Kong, Middle East at Western ngunit ito ay pag uusapan muna natin sa mga susunod na araw) ay may nabuo ulit na programa sa aming isipan at ito ay patungkol sa edukasyon. Ipapaalam namin ito sa lahat ng miyembro kapag naplantsa na lahat ng detalye!
Napakgandang umpisa ito para sa ating mga darating pang proyekto para sa ating mahal na barangay. Kaya nga muli ay binabati ko kayong lahat na miyembro lalo na ang ating mga donors! Ang tagumpay na ito ay hindi natin makakamit kundi dahil sa inyong mapagkawang gawang mga puso!!
Mabuhay ang RUgao Online Community!!
ah apo admin agree aq sa gagawing proyktong pang edukasyon kung matutuloy..susuporta aq sapagkat naniniwala aq na ang edukasyon ang siyang makakapagpabago tungo sa kahirapan na hindi mananakaw kailanman...at kahit sanglupalop ng mundo ka pupunta ay dala dala natin..may the lord guide with us
ReplyDeletethank you cheries. pag uusapan natin ang susunod na proyekto. Sa tingin ko magugustuhan ng lahat ito pero kailangan ng matagal na pagpaplano dahil medyo malaki ang proyektong ito.
ReplyDeletekung lagi lng sna ako makakauwi,magagamit ko na nmn ang aking convincing power tungkol sa nxet project ntin.president gsto mo ako na unang mag approach sa concerned person?call ko lng un aprub na palagay ko.
ReplyDeleteaprub ako diyan @nhor!
ReplyDeleteok ta timing lng ako then ill let you know.
ReplyDeleteyan din ang pangarap ko... na sana maraming makatapos na taga sa atin.. lalo na ung mga pursigidong makapag aral... sana magawan natin ng paraan ito.. just txt me, if you need assistance from me... see u... sorry d ako nakauwi.. need to work pa kc e.. hehehe.. may next time pa naman...
ReplyDelete