Bawat taon, maliban sa sayang dulot ng mga regalo at mga pagkain ay inaabangan ko talaga ang Misa De Gallo. Sa ilan marahil ay isa lang itong pagkakataon na makasama ang mga kaibigan at mga pamilya ng siyam na sunud-sunod na araw para magsamba ngunit sa karamihan ito ay ang pagkakataon na maalala natin ang pinakamahalagang biyaya sa atin ng Maykapal, si Hesus. Kaya ito na siguro ang ilan sa mga pinakapaborito kong mga araw ng taon.
Subalit lubhang kakaiba ang Misa de Gallo ngayong taong ito sa ating lugar. Una, ngayong taon lamang ang natatandaan kong halos walang kumukutikutitap na mga palamuti sa mga bahay at sa bahay sambahan/kapilya/simbahan. Akala ko nga kandila lang ang gagamitin sa unang araw ng Misa de Gallo sa atin pero muli na naman pinatunayan ng mga taga-Rugao ang kanilang pagiging mapagkusa at pagpapahalaga sa Diyos dahil may mga nagpahiram ng kanilang mga generator sets para lamang maging maliwanag ang Misa de Gallo. Hanggang ngayon kasi wala pang suplay ng kuryente sa ating barangay mula ng manalasa ang bagyong Juan dalawang buwan na ang nakakaraan. Maliban pa dyan ang sira sirang kisame at dingding ng
kapilya/simbahan ay hindi pa rin naayos. Pangalawa, napakaraming tao ang dumalo sa unang araw ng Misa de Gallo. Nagulat ako pero mas natuwa. Naway, lalo pang dumami ang mga dadalo. Hindi biro ang gumising ng alas-tres ng madaling araw kaya alam kong malaking sakripisyo ito para sa lahat. At ang ikatlo at panghuli, ay ang saya at pag asa na makikita mo sa mukha ng mga tao. Para bang hindi sila dinaanan ng bagyo at ng baha.

Naiisip ko tuloy na malayo na ang narating ng Rugao sa halos lahat ng aspeto. Kaya nga magandang pagkakataon ito para sa ating mga miyembro ng ROC na lalo pang tulungan ang ating mga kabarangay na patuloy na marating ang mas mataas na antas ng kanilang ispiritwal, intelektwal at pisikal na pamumuhay.
Walong araw pa na gigising ang ating mga kabarangay para sa Misa De Gallo, walong araw pa na kakikitaan sila ng pagkakaisa, pagmamahal, pag asa at pagpapahalaga sa Diyos at alam kong pagkatapos ng siyam na araw ay magiging bahagi na ng buhay nila ang ganitong sistema.
No comments:
Post a Comment