You are on the Official blog site of Barangay Rugao, Ilagan City, Isabela! Don't forget to leave a comment.

Sunday, December 26, 2010

Rugao Gives Back: the story behind the success (pangalawang bahagi ng dalawang bahagi)

Naging mainit ang pagtanggap ng ating mga kabarangay sa ating organisasyon kung ang pagbabasehan ay ang lakas ng kanilang hiyawan at palakpak. Lahat ng pamilya ng mga miyembro ng Rugao Online Community ay buong pwersang sumuporta sa Rugao Gives Back at lahat sila ay suot ang t-shirt na ipinagawa natin. 

Matapos ang aking mensahe ay dapat na magsasalita na si Mayor Jay L Diaz bilang panauhing pandangal ngunit hindi pa siya dumarating at walang kumpirmasyon ang kanyang pagdalo. Kaya bumunot muna kami ng maswerteng pamilyang mananalo ng grocerya. Sobrang excited ang mga tao kung sino ang mabubunot. Suspense ang pagbunot namin at pag announce lalo pat inuuna namin ang initials kaya naman isinisigaw ng mga tao ang mga pangalan na may ganoong initials! Napakasaya talaga kahit sa pagbunot ng mananalo. Maliban pala sa mga grocerya ay nagbigay din ng limang token mugs si kapitan Bermudez para ipamigay din sa mga kabarangay natin.

Para hindi maantala ang programa habang inaantay ang mga panauhin ay naisip naming isalang na ang mga may inihandang sayaw. Tinawag namin bawat purok na may itatanghal na sayaw. Sobrang hiwayan na naman ang mga tao habang tinatawag ang kanilang purok. May matatandang sumayaw ng Poker Face ni Lady Gaga. Mga taga Kabayugan. Sila yung mga nanay na nakamaskara pa paglabas nila! karamihan ay mga bata ang sumayaw. Sumayaw din ang mga matatanda ng Jai-Ho na nakakatuwang pagmasdan! Bawat performers ay may natanggap na cash prize mula sa mga barangay officials! Patok na patok ang bahaging ito ng programa. Andaming nagperform at halatang pinaghandaan dahil may mga costumes ang bawat purok.

Habang lumalalim ang gabi ay panay ang parlor games. Sina Homer at Nhor ang nakatoka sa mga masasayang parlor games. May mga matatandang nagpagalingan sa paglagay ng sinulid sa karayom. Ang mga Barangay Officials na sumali sa "draw your face" na lubhang nakakatawa dahil kakaiba yung mga mukhang naidrawing ng mga opisyales!! At marami pang mga palaro. Hanggang hindi na namin namalayan na gumagabi na pala.

Halos mag aalas dyes na ng dumating ang kaisa isang bisita na naglaan ng kanyang oras sa ating programa. Si SB Perlita Gangan Gaoiran. Ipinakilala kami ni Kapitan sa kanya. Kaya nakipagkwentuhan kami sa kanya bago siya nagsalita. At siyempre pinatikman namin siya ng masarap na bibingka na gawa ng mga asawa ng mga barangay officials sa pangunguna ni kapitana! 

Habang nakikinig ako sa mensahe ni SB Gaoiran ay naramdaman kong napakalaki pala ng ating programa! Paulit ulit na binanggit ni SB Gaoiran na sya'y natutuwa sa ating ginawa. Ayon pa sa kanya, hindi daw nasayang ang kanyang pagpunta sa Rugao dahil nasaksihan daw niya ang pagtutulungan at pagmamahalan ng mga taga Rugao. Iginiit pa nya at sigurado daw siya na sa 91 na barangay ng Ilagan, Rugao lang may ganoong organisasyon at programa. Makikita mo talaga ang paghanga ng nasabing pulitiko dahil panay ang puri nya sa ating organisasyon. Akala ko nga aalis na siya agad pagkatapos ng kanyang mensahe (dahil ganun naman ang karamihan sa mga pulitiko) pero pinili nyang manatili muna at saksihan ang ilan pang mga parlor games kahit pa manaka nakang umaambon. Nag abot din siya ng mga wall clocks at dalawang gift certificates worth 500 pesos each sa Savemore at nag abot ng tig isang daang piso sa mga mananalo ng gift certificates bilang pamasahe papunta sa Northstar Mall! 

Ilang sandali pa ay nabasa ko ang mensahe ni SB Albano sa ating FB Account (message) na nagpaabot ng suporta sa ating mga programa at papuri sa ating samahan! 

Makalipas ang ilang saglit ay namigay na kami ng mga duster sa mga senior citizens. Ang sayang tingnan ang kanilang mga mukha habang tinatanggap ang simple nating regalo. May konting aberya nga lang dahil may mga ilan palang wala sa listahan kaya medyo may konting tensyon sa mga oras na yun. Pero ito ay naayos din namin ni Auntie Nhor. Akala ko nga papalpak na kami noon pero buti na lang nagawan ng paraan!

Nagpatuloy ang gabi sa pamimigay ng mga regalo sa mga bata, raffle draw at nakakaaliw na mga laro. 

Natapos ang pamimigay ng mga regalo at groceries bandang ala una y medya ng umaga!! Tinapos ng ating mga kabarangay ang buong programa bago sila umuwi. Ngunit may mga ilan pa na naiwan kaya nagdesisyon ang mga SK Officials na magpalaro pa sa mga kabataang nasa basketball court kaya tumagal pa kami doon hanggang alas dos y-medya ng umaga. Habang abala ang mga kabataan nagkakasayahan ay nagbukas ng Red Wine si Auntie Nhor at doon ay nagkaroon ng toss para sa matagumpay na pagdaraos ng Rugao Gives Back. Parang hindi namin ramdam ang puyat at pagod!!

Kinaumagahan ay marami kaming naririnig na magagandang kumento mula sa mga tao (may mga reklamo din pero kaunti lang). Karamihan sa kanila ay nagpapasalamat at nagsasabing ito daw ang pinakamasayang Christmas ng mga taga Rugao! Nakatataba ng puso, hindi ba? Kaya nga't nang mag usap kami ulit ni Auntie Nhor ( na on-the-spot ay ginawa kong ROC Vice President for Philippines Affairs! haha. Magkakaroon talaga tayo ng mga Vice Presidents sa mga malalaking bansa tulad ng Singapore, Hong Kong, Middle East at Western ngunit ito ay pag uusapan muna natin sa mga susunod na araw) ay may nabuo ulit na programa sa aming isipan at ito ay patungkol sa edukasyon. Ipapaalam namin ito sa lahat ng miyembro kapag naplantsa na lahat ng detalye!

Napakgandang umpisa ito para sa ating mga darating pang proyekto para sa ating mahal na barangay. Kaya nga muli ay binabati ko kayong lahat na miyembro lalo na ang ating mga donors! Ang tagumpay na ito ay hindi natin makakamit kundi dahil sa inyong mapagkawang gawang mga puso!!

Mabuhay ang RUgao Online Community!!





Rugao Gives Back: the story behind the success (unang bahagi ng dalawang bahagi)

Matapos ang mahabang paghihintay at preparasyon, sa wakas dumating din ang pinakahinhintay ng mga ROCians na araw... ang pagdaraos ng Rugao Gives Back.

Bilang pangulo ng ating samahan, malaki ang kaba at takot na naramdaman ko bago sumapit ang December 20. Natatakot ako na baka magiging magulo ang programa at baka hindi ito magiging matagumpay. Kaya naman panay ang hiling ko sa inyo noon na ipagdasal ang ating programa. 

Nag umpisa ang aking araw sa pagpunta sa bahay nila auntie nhor na sabado pa lamang ay abala na sa ating programa. Siya (kasama si Homer at si Jemson) ang pumunta sa bayan para mag order sa Jollibee at nagpunta sa Savemore para mamili ng grocerya at mga kakailanganin sa mga palaro. Siya din ang nagbalot sa mga ipamimigay. Nagmistulang tambakan nga ang sala ni Lola Orang dahil dun inilatag ang mga ipamimigay sa araw na yon. Siyempre, maliban sa kanila kasama din sa pagtulong si Uncle Andy (na siyang nakaisip na kunin si Lemuel Aquino na videographer), si ROCian Ralsley at ang mga masisipag na mga SK Officials.

Alas tres ng hapon ng matapos ang dekorasyon sa basketball court at ilang mga paghahanda. Sa mga oras na yun, may mangilan ilan ng mga bata sa basketball court. At yung mga may ipapakitang mga sayaw ay abala na sa pagpapractice. Kaya nga't ang unang nai-upload ko na larawan ay yung dekorasyon sa stage. 

Alas kwatro ng hapon ay unti unti ng kumakapal ang mga tao sa basketball court. Sa mga oras na yun ay nag umpisa na kaming mamigay ng mg food stubs. Andaming mga bata na pumunta. Ang ilan ay akay akay pa ng kanilang mga magulang. 300 na stubs ang inihanda namin. Napakahaba ng pila at nung una ay napakagulo ng mga bata. Buti na lang at kasama namin ang mga SK Officials na nag ayos sa linya. Kasama ko din pala si ROCian Michael Agamata na nagpamudmod ng mga food stubs. Hanggang sa dumami ng dumami ang mga tao. At sa mga oras din na yan, isang oras bago mag umpisa ang unang bahagi ng programa ay kumpleto na ang mga Barangay Officials at mga tanod! Nakakabilib dahil lahat sila ay buong pwersang sumuporta sa programa ng ating organisasyon.

Pumatak ang alas singko ng umpisahan ni ROCian Nhor Esteban ang magpalaro bilang pamatay oras sa pagdating ng order sa Jollibee at kay Jollibee mismo. Si Nhor kasama si Homer Cacho(aka Dondon) ang naging emcees ( ang saya saya nilang mag emcee). Sa unang laro na LONGEST LINE, napakalakas na ng hiyawan ng mga tao sa mga bata na halos hubarin na lahat ang saplot manalo lamang sa laro! Dun ako nakahinga ng maluwag dahil yun ang senyales na magiging maganda ang gabi! 

Alas sais na yata ng dumating ang pagkain.Pero syempre bago ang kainan, naging main attraction ang paglabas ni Jollibee!! Talagang ito ang isa sa mga inabangan ng mga bata. Salamat ulit kay Nhor Esteban dahil siya din ang nagpursige na kunin ang mascot kahit pa may dagdag na bayad na mula na sa kanyang bulsa. At gaya ng inaasahan, nagkagulo ang madlang people nang lumabas si Jollibee at sumayaw ng Baby ni Justin Bieber! Sobrang lakas ng hiyawan at ang mga bata ay hindi magkanda ugaga sa pagtakbo, pagtalon at paghiyaw. Ang mga camera ay walang tigil sa pagflash!!! Humirit pa ang mga tao ng isa pang sayaw mula kay Jollibee. Wow, sobrang saya. Buti na lang at nakuha ni Nhor si Jollibee na siyang nagset ng mood sa ating programa. 

Pagkatapos na pagkatapos ng paglabas ng mascot ay nag umpisa na kaming mamigay ng pagkain sa mga may hawak ng food stubs. Nakakatawa kasi, dahil siguro sa sobrang excitement naming lahat ay nakalimutan naming mamigay ng drinks sa mga bata at sa mga senior citizens! 

Mag aalas siyete na yata ng matapos ang unang bahagi ng ating programa. Hinati kasi namin ang programa sa dalawang bahagi. Una ay ang pagpapakain sa ating mga kabarangay at ang pangalawa ay ang pamimigay ng mga payong, damit,bags, sumbrero, groceries at mga parlor games. Halos lahat kaming mga naroon (sk at barangay officials at mga ROCians) ay hindi pa kumakain nung mga sumandaling iyon kaya nagpasya akong umuwi muna para kumain. Sina Nhor at Homer ay naiwan upang magpalaro sa mga batang nasa basketball court. Ipinaalam kasi namin sa mga tao na umuwi muna sila para kumain at balik na lang para sa pangalawang bahagi pero marami ang naiwan kaya itinuloy na lang nina Nhor at Homer ang pagpapalaro sa mga bata. Ang saya kasing pagmasdan ang mga bata na game na game sa lahat ng mga laro!

Halos mag aalas otso na ng pormal na nag umpisa ang programa. Wala paring dumarating ni isa sa mga bisitang hinihintay sa mga oras na yon ( mga pulitiko) pero napagkasunduan na lang namin na umpisahan na. Sa puntong iyon ay ako naman ang nag EMCEE habang sumaglit sa pagkain sina Nhor at Homer. Kasama na rin namin si Michael Agamata (ang bagong kasal na representante ng mga taga South Korea). Nagbukas ang pangalawang bahagi ng programa sa pamamagitan ng dasal mula kay Pastor Jacob ng United Methodist Church. Napakarami ng tao noong mga oras na yun. Maraming taga San Juan na nandoon para saksihan ang ating programa. Pagkatapos ng dasal ay tinawag ko na si Kapitan Judy Bermudez para sa kanyang Welcome Address na punung puno ng pasasalamat at paghanga sa ating proyekto at samahan. Nahihiya nga ako kasi ilang beses niyang binanggit ang aking pangalan bilang pangulo ng organisasyon samantalang ang programang ito ay bunga ng pagod nating lahat. Pagkatapos ng kanyang mensahe ay ako naman ang nagsalita. Ibinahagi ko ang hangarin ng ating samahan at kung paano ito nabuo. Ipinaliwanag ko rin sa mga tao ang tungkol sa ating facebook account at blogsite at inimbitahan ko na rin sila na i-add tayo sa facebook. At bilang pangwakas na bahagi ng aking mensahe ay binasa ko ang mga donors (na hindi kumpleto ang listahan pala dahil naiwan ko sa bahay yung inihanda kong listahan. Bawat pangalan na binanggit ko ay sinalubong ng masigabong palakpakan na tanda ng kanilang pasasalamat. (Paumanhin po sa mga donors na hindi nabanggit noon. Sana po'y maintindihan nyo dahil hindi ko ito sinasadya na hindi mabanggit inyong pangalan). 
(......Itutuloy)

Thursday, December 16, 2010

Misa De Gallo: Mga pagbabago

Bawat taon, maliban sa sayang dulot ng mga regalo at mga pagkain ay inaabangan ko talaga ang Misa De Gallo. Sa ilan marahil ay isa lang itong pagkakataon na makasama ang mga kaibigan at mga pamilya ng siyam na sunud-sunod na araw para magsamba ngunit sa karamihan ito ay ang pagkakataon na maalala natin ang pinakamahalagang biyaya sa atin ng Maykapal, si Hesus. Kaya ito na siguro ang ilan sa mga pinakapaborito kong mga araw ng taon.

Subalit lubhang kakaiba ang Misa de Gallo ngayong taong ito sa ating lugar. Una, ngayong taon lamang ang natatandaan kong halos walang kumukutikutitap na mga palamuti sa mga bahay at sa bahay sambahan/kapilya/simbahan. Akala ko nga kandila lang ang gagamitin sa unang araw ng Misa de Gallo sa atin pero muli na naman pinatunayan ng mga taga-Rugao ang kanilang pagiging mapagkusa at pagpapahalaga sa Diyos dahil may mga nagpahiram ng kanilang mga generator sets para lamang maging maliwanag ang Misa de Gallo. Hanggang ngayon kasi wala pang suplay ng kuryente sa ating barangay mula ng manalasa ang bagyong Juan dalawang buwan na ang nakakaraan. Maliban pa dyan ang sira sirang kisame at dingding ng

Wednesday, December 15, 2010

Rugao Online Community Blogsite 1st Monthsary

Exactly one month ago, Rugao Online Community Blogsite was created. To date, we have almost 2000 page views which is outstanding considering that our blogsite is only intended for our community. As we enter our second month, expect more innovations and more articles to come. To all our readers and subscribers, thank you for always visiting our site!

Congratulations to RII-ROC blogsite!!

Sunday, December 5, 2010

A Story of our Shopping Spree in Divisoria

I left Rugao for Manila at 8:00pm last Friday. I was to meet Nhor and Erwin Esteban in Divisoria upon arrival in Manila. We wanted to be in Divisoria early so as to avoid the thick crowd shopping in the area. Lea is supposed to join us but she said she can't come because of the not-so nice weather that day. Don Don is also supposed to join me but begged off so I have to look for someone to help me reach Divisoria since I'm not really comfortable going to the place. So I decided to ask for the help of my friend.

As schedule we arrived around 7am and we still have time to freshen up because I know how grueling the day ahead of us. I met up with Aunt Nhor and her husband in Divisoria at around 10am. It's funny coz we have to look for each other inside the mall. She told me to see her in a store (which she named). We went there but there was not even of shadow of her in that area. Only to find out that there are more than 3 stores with that name and near the elevator. Anyway, upon meeting up with her, we started purchasing the things found on our list.

It was so hard looking for the stuffs on our list. Plus we have to get through the thick crowd to buy. First, we