<this article is originally posted in RII Facebook Community Notes>
Marami sa atin marahil ay hindi na mabilang kung ilang masasayang Pasko na ang naranasan, kaya naman kahit sa mga may edad, ang Pasko parin ang pinakapaborito nating araw ng buong taon.
Naalala nyo pa ba kung anong regalo ang pinakapaborito nyo? Di ba ang saya kung may regalo kang natatanggap tuwing Pasko? Marahil mayroon din sa atin ang nakaranas na hindi nakatanggap ng regalo nitong mga nakaraang Pasko. Nakakalungkot di ba?Minsan naiisip ko, paano na kaya yung mga walang-wala? Ano kaya ang Pasko sa kanila? Nakakahabag isipin yung mga batang naiinggit sa kanilang kapitbahay dahil sa ningning ng mga palamuting pampasko tulad ng Christmas lights at Christmas tree, sa mga masasarap na pagkaing nakahain sa kanilang hapag-kainan. Minsan naiisip ko, nararamdaman pa kaya nila ang Pasko? Lalo na ngayon at sunod-sunod ang mga kalamidad na tumama sa ating lugar lalo pa't may mga ilan na hindi pa naipapagawa ang sira sira nilang tahanan.
Pero kung ating iisipin, di ba't ang Pasko ay hindi tungkol sa materyal na bagay? Ang Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan. Pero paano mo ito maipapaliwanag sa mga batang wala pang muwang sa mga katotohanan ng buhay?
Balikan natin ang tanong ko kanina, kelan ba ang pinakamasayang Pasko sa buhay mo? Maharil ay ngayong taon natin lahat mararanasan ang pinamasaya at pinakamakahulugang Pasko sa ating mga buhay. Dahil sa bunga ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating mga ka-barangay, mapapawi natin ang lungkot sa puso ng mga batang walang regalo na inaasahan ngayong Pasko. Kung noong mga nakaraan Pasko ay wala silang regalong matatanggap, ngayong taon at babaguhin natin ang kanilang kapalaran. Di ba't napakasarap isipin na ang isang batang hindi mo naman kaano-ano at marahil di mo rin kilala ay mapapangiti mo ngayong Pasko? Oo nga't marami kang handa sa Pasko, mabibili mo ang mga gusto mong damit at kung anu-ano pa ngunit ito'y walang saysay kung hindi mo naman alam magbahagi sa iyong kapwa. Ngayon pa lang, alam kong nakikini-kinita nyo na ang magiging epekto nito sa buhay ng mga bata at matatandang ating matutulungan.
Kaya kung ikaw ay naghahanap parin ng saysay o dahilan kng bakit ka dapat maging masaya ngayong Pasko, ito na ang dahilan kaibigan.
Ikaw, hindi man nakapag ambag sa ating nalalapit na programang "Rugao Gives Back" hindi ibig sabihin na hindi ka na bahagi ng mga matatamis na ngiti ng mga mumunting anghel sa ating lugar. Malaking bahagi ka parin kaibigan dahil sa suportang moral at panalangin mo para sa ikatatagumpay ng proyektong ito. Tama ba ako, ngayong nalalapit na Pasko ba magiging pinaka-masaya at pinakamakabuluhang Pasko sa buong buhay mo?
No comments:
Post a Comment