You are on the Official blog site of Barangay Rugao, Ilagan City, Isabela! Don't forget to leave a comment.

Sunday, December 26, 2010

Rugao Gives Back: the story behind the success (unang bahagi ng dalawang bahagi)

Matapos ang mahabang paghihintay at preparasyon, sa wakas dumating din ang pinakahinhintay ng mga ROCians na araw... ang pagdaraos ng Rugao Gives Back.

Bilang pangulo ng ating samahan, malaki ang kaba at takot na naramdaman ko bago sumapit ang December 20. Natatakot ako na baka magiging magulo ang programa at baka hindi ito magiging matagumpay. Kaya naman panay ang hiling ko sa inyo noon na ipagdasal ang ating programa. 

Nag umpisa ang aking araw sa pagpunta sa bahay nila auntie nhor na sabado pa lamang ay abala na sa ating programa. Siya (kasama si Homer at si Jemson) ang pumunta sa bayan para mag order sa Jollibee at nagpunta sa Savemore para mamili ng grocerya at mga kakailanganin sa mga palaro. Siya din ang nagbalot sa mga ipamimigay. Nagmistulang tambakan nga ang sala ni Lola Orang dahil dun inilatag ang mga ipamimigay sa araw na yon. Siyempre, maliban sa kanila kasama din sa pagtulong si Uncle Andy (na siyang nakaisip na kunin si Lemuel Aquino na videographer), si ROCian Ralsley at ang mga masisipag na mga SK Officials.

Alas tres ng hapon ng matapos ang dekorasyon sa basketball court at ilang mga paghahanda. Sa mga oras na yun, may mangilan ilan ng mga bata sa basketball court. At yung mga may ipapakitang mga sayaw ay abala na sa pagpapractice. Kaya nga't ang unang nai-upload ko na larawan ay yung dekorasyon sa stage. 

Alas kwatro ng hapon ay unti unti ng kumakapal ang mga tao sa basketball court. Sa mga oras na yun ay nag umpisa na kaming mamigay ng mg food stubs. Andaming mga bata na pumunta. Ang ilan ay akay akay pa ng kanilang mga magulang. 300 na stubs ang inihanda namin. Napakahaba ng pila at nung una ay napakagulo ng mga bata. Buti na lang at kasama namin ang mga SK Officials na nag ayos sa linya. Kasama ko din pala si ROCian Michael Agamata na nagpamudmod ng mga food stubs. Hanggang sa dumami ng dumami ang mga tao. At sa mga oras din na yan, isang oras bago mag umpisa ang unang bahagi ng programa ay kumpleto na ang mga Barangay Officials at mga tanod! Nakakabilib dahil lahat sila ay buong pwersang sumuporta sa programa ng ating organisasyon.

Pumatak ang alas singko ng umpisahan ni ROCian Nhor Esteban ang magpalaro bilang pamatay oras sa pagdating ng order sa Jollibee at kay Jollibee mismo. Si Nhor kasama si Homer Cacho(aka Dondon) ang naging emcees ( ang saya saya nilang mag emcee). Sa unang laro na LONGEST LINE, napakalakas na ng hiyawan ng mga tao sa mga bata na halos hubarin na lahat ang saplot manalo lamang sa laro! Dun ako nakahinga ng maluwag dahil yun ang senyales na magiging maganda ang gabi! 

Alas sais na yata ng dumating ang pagkain.Pero syempre bago ang kainan, naging main attraction ang paglabas ni Jollibee!! Talagang ito ang isa sa mga inabangan ng mga bata. Salamat ulit kay Nhor Esteban dahil siya din ang nagpursige na kunin ang mascot kahit pa may dagdag na bayad na mula na sa kanyang bulsa. At gaya ng inaasahan, nagkagulo ang madlang people nang lumabas si Jollibee at sumayaw ng Baby ni Justin Bieber! Sobrang lakas ng hiyawan at ang mga bata ay hindi magkanda ugaga sa pagtakbo, pagtalon at paghiyaw. Ang mga camera ay walang tigil sa pagflash!!! Humirit pa ang mga tao ng isa pang sayaw mula kay Jollibee. Wow, sobrang saya. Buti na lang at nakuha ni Nhor si Jollibee na siyang nagset ng mood sa ating programa. 

Pagkatapos na pagkatapos ng paglabas ng mascot ay nag umpisa na kaming mamigay ng pagkain sa mga may hawak ng food stubs. Nakakatawa kasi, dahil siguro sa sobrang excitement naming lahat ay nakalimutan naming mamigay ng drinks sa mga bata at sa mga senior citizens! 

Mag aalas siyete na yata ng matapos ang unang bahagi ng ating programa. Hinati kasi namin ang programa sa dalawang bahagi. Una ay ang pagpapakain sa ating mga kabarangay at ang pangalawa ay ang pamimigay ng mga payong, damit,bags, sumbrero, groceries at mga parlor games. Halos lahat kaming mga naroon (sk at barangay officials at mga ROCians) ay hindi pa kumakain nung mga sumandaling iyon kaya nagpasya akong umuwi muna para kumain. Sina Nhor at Homer ay naiwan upang magpalaro sa mga batang nasa basketball court. Ipinaalam kasi namin sa mga tao na umuwi muna sila para kumain at balik na lang para sa pangalawang bahagi pero marami ang naiwan kaya itinuloy na lang nina Nhor at Homer ang pagpapalaro sa mga bata. Ang saya kasing pagmasdan ang mga bata na game na game sa lahat ng mga laro!

Halos mag aalas otso na ng pormal na nag umpisa ang programa. Wala paring dumarating ni isa sa mga bisitang hinihintay sa mga oras na yon ( mga pulitiko) pero napagkasunduan na lang namin na umpisahan na. Sa puntong iyon ay ako naman ang nag EMCEE habang sumaglit sa pagkain sina Nhor at Homer. Kasama na rin namin si Michael Agamata (ang bagong kasal na representante ng mga taga South Korea). Nagbukas ang pangalawang bahagi ng programa sa pamamagitan ng dasal mula kay Pastor Jacob ng United Methodist Church. Napakarami ng tao noong mga oras na yun. Maraming taga San Juan na nandoon para saksihan ang ating programa. Pagkatapos ng dasal ay tinawag ko na si Kapitan Judy Bermudez para sa kanyang Welcome Address na punung puno ng pasasalamat at paghanga sa ating proyekto at samahan. Nahihiya nga ako kasi ilang beses niyang binanggit ang aking pangalan bilang pangulo ng organisasyon samantalang ang programang ito ay bunga ng pagod nating lahat. Pagkatapos ng kanyang mensahe ay ako naman ang nagsalita. Ibinahagi ko ang hangarin ng ating samahan at kung paano ito nabuo. Ipinaliwanag ko rin sa mga tao ang tungkol sa ating facebook account at blogsite at inimbitahan ko na rin sila na i-add tayo sa facebook. At bilang pangwakas na bahagi ng aking mensahe ay binasa ko ang mga donors (na hindi kumpleto ang listahan pala dahil naiwan ko sa bahay yung inihanda kong listahan. Bawat pangalan na binanggit ko ay sinalubong ng masigabong palakpakan na tanda ng kanilang pasasalamat. (Paumanhin po sa mga donors na hindi nabanggit noon. Sana po'y maintindihan nyo dahil hindi ko ito sinasadya na hindi mabanggit inyong pangalan). 
(......Itutuloy)

5 comments:

  1. wow naman grabe kakatouch...

    ReplyDelete
  2. Yes, successful. Keep up the good work and more power to RGB and all the officers and Nhor.

    ReplyDelete
  3. Panalo ka admin... saludo kami syo.. talagang gnun, una pa lng ito sa susunod alam na ntin ksi kumbaga eto ay practice. Suggestion ko lng pra wlang masabi yung mga di nabangit ang pangalan nung time na yun di igawa mo nlng ng summary lahat ng donors with ammount of their share tpos publish mo sa RII at saka sa ROC blogsite ntin. Gnun na din sa expenses pra mkita nila, kumbaga transparency ng wlang masabi ang iba. Yun ay suggestion ko lng nman, sa susunod maperfect na natin yung gagawin ksi alam na ntin. Thumbs up!!!

    ReplyDelete
  4. ok gawan natin ng paraan yan. salamat sa mga magagandang kumento. Sana sa susunod na proyekto ay hindi na natin kelangan pang gumastos. Alam kong marami tayong makukuhang tulong sa labas lalo pa't maganda ang ating unang programa!

    ReplyDelete
  5. Lalong maganda yan admin. cge ng lalo tayong mkatulong sa ating mga kabarangay lalo na yung mga kapos sa buhay.

    ReplyDelete